Spoiler
Thursday, December 10, 2015
Huli na ang lahat, by Bryant Terrado
Isang araw habang tahimik na nag-aayos ang dalaga na si Huli. Ang kanyang amo ay may nabalitaan na hinuli daw si Basilio. At naroon siya ngayon sa kulungan. Nanghina ang katawan ng dalaga. Pakiramdam niya na tungkulin niya mailabas ito, ngunit wala siyang maisip na paraan.
Naisipan niya lumapit kay Padre Camorra, ngunit kinakalibutan siya dahil sa mga ginawa nito noon. Binugbog ng Padre ang mga manliligaw ng dalaga. Siya rin ay manyak na padre. Umabot na ang balita na pinapatay ang mga lalaki at may isang natira, si Basilio. Di na nag dalawang-isip pumunta ang dalaga sa Padre upang humingi ng tulong.
Pag punta doon nalaman na nagtipon-tipon ang mga Prayle sa kumbento. Pagkatapos nun, nabalitaan na may isang dalaga daw na tumalon sa kumbento. Nagdalubhasa si Basilio sa kanyang narinig. Masakit na masakit ang nangyari sakanya.
Malungkot, dahil hindi makatarungan ang ginagawa ng mga prayle. Lalo na sa kababaihan. Masyadong masakit sa binata dahil nakakulong na nga siya at namatay pa ang kanyang kasintahan para lang mailigtas siya. Hindi dapat ganun ang mga nangyayari. Dapat katarungan ang ipalaganap sa bansa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment