Spoiler

Sunday, December 13, 2015

Ang nanyari sa kasal, by Philippe Gatmaytan

Ganito yun, nagplano si Simoun at Basilio kung ano ang mangyayari sa gabing iyon. Binigay ni Simoun sa Kapitan Heneral ang regalo na isang lampara. Sinabihan ni Simoun si Basilio na lumayo sa bahay ng Kapitan Heneral dahil konting oras nalang sa sabog na ang lampara. Habang naglalakad si Basilio nakita niya si Isagani at sinabihan niya ito na lumayo sa bahay dahil sa sabog na ang lampara. Tumakbo si Isagani sa kasal ni Paulita at Juanito. Kinuha ni Isagani yung lampara at tumakbo palabas ng bahay ng Kapitan Heneral at hinabol siya ng mga guardia civil. Hindi siya nahabol ng mga guardia civil at tumakbo siya pa punta sa ilog at tinapon niya yung lampara. 




Sa tingin ko tama ang ginawa ni Isagani dahil mas pinili niya na magkaroon ng kapayapaan kaysa sa gulo. Para sa akin, ang ginawa ni Isagani ay matapang at ang karapat-dapat. Isinugal niya ang kanyang buhay para mailigtas ang buhay ng nasa loob ng simbahan, lalo na si paulita. Pwede naman siyang walang gawin para ligtas siya, pero pinili niyang tulungan at iba at ito ay nagpapakita ng katapangan at katamaan.

No comments:

Post a Comment